Author: J-Marrie Dadivas
•9:27 AM
Ikaw Ina ang aking inspirasyon;
Inalagaan mo ako at binuhusan ng atensiyon;
Simula pagkabata hanggang sa paglaki;
Ikaw Ina ang nag-aruga sa akin ng mabuti.

Ikinararangal kong ikaw ang naging ina;
Dahil sa mga pagsubok laging matatag ka;
Kahit anong unos at bagyo ang dumating sa atin;
Ayan ka...tumatayo para kami ay sagipin.

Ikaw Ina ang ilaw ng ating tahanan;
Ikaw ang nagbigay liwanag sa aming buong katauhan;
Kung wala ka hindi namin kakayanin;
Mahal kong Ina, patuloy kitang mamahalin.

Maraming salamat, Mahal kong Ina;
Sa pagmamahal, pag-alaga at pagsuporta;
Kahit na ikaw ay matanda at uugod na;
Andito ako, handang umalay ng pagmamahal at pagsuporta.





|
This entry was posted on 9:27 AM and is filed under . You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

0 comments: